mahirap manganak ng tula

by Cai

mahirap manganak ng tula
lalo pa’t walang binhi
ng kagalakan o kalungkutan
o kaya nama’y matinding sakit
na tumatagos sa kaibuturan

mahirap manganak ng tula
kung wala namang sinapupunang
kakanlong sa mga parikala’t talinghaga
walang magluluwal ng mga akda

mahirap manganak ng tula
kung walang kakagat sa bunga
ng matamis na tamod ng panulat

mahirap manganak ng tula
kung walang basbas ng kasal
ang manunulat at burador
walang lunsaran ng pagbabago

mahirap manganak ng tula
at pagtugma-tugmain ang mga salita

mahirap manganak ng tula…

Comments »

Trackback URI

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>