Mama, Para!
By Jim Lerry C. Guiyab
Ika labing tatlo ng Hulyo dalawang libo’t lima. “Ano ba yan?” …yan ang aking natanong sa aking sarili habang naghihintay ng isang himala o pangitain sa gitna ng dagat ng mga tao na aking kasabay sa T.Sora. Wala talaga akong ideya kung saan ako pupunta sakay ng isang dyip upang makagawa ng isang ethnography.
Ha?…Ano ‘yon? Di mo alam ang ethnography? Hay eto na naman tayo…Mageexpalin na naman ako. Ahmm…ang ethnography ayon kay Mr. Webster is the study and systematic recording of human culture o kaya a descriptive work from research of human culture. (English yan! Hehe..)
Mabalik nga tayo doon sa problema ko… Di ko talaga alam kung saan ako sasakay para lang may magawa akong ethnography…Hay, e kung bumalik na lang kaya ako sa UP at sumama sa mga nagrarally? “Papet pasista, Patalsikin si Gloria!…” Pero andito na ko baka di ako umabot saka sayang ‘yong pamasahe pabalik. Bahala na! Papara na ko dito ng kahit anong dyip. Bahala na kung saan ako makarating.
Sinenyasan ko ang isang driver…Naks nagsmile pa talaga sa akin o baka dahil ‘yon sa kinakamot niyang balikat…Anyway pagkatapos ng ilang sandali, isang green na dyip na may plate number na TRU 635 ang tumigil sa aking harapan; may kalumaan na ito pero di pa naman kinakalawang kaya kaaya-aya pa rin namang tignan…di katulad ng kasunod nitong dyip na kapanahunan pa ata ni Marcos ginawa… Parang pinamana ng council of elders!…
May mga tao na noong sumakay ako pero matino pa naman ang nakuha kong upuan. Hanep sa loob parang kang nasa gubat green na green. At take note, may mini altar pa siya sa harap complete with rosary, rebulto, sampaguita, sticker ni Mama Mary at Jesus Christ, basahan, at baryang panukli.
Maya-maya pa ay tumakbo na ang dyip na aking sinasakyan. Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil ito sa isang over pass upang kumuha pa ng pasahero. Grabe ang daming sumakay. Punuan na pero sige pa rin ang tawag ng driver. “Konting usod lang ho…panlabing dalawang tao yan…” Panglabing dalawa?! E di na nga kaming magkasyang sampu dito!
Ano ba yan ginawa kaming sardinas?! Pero grabe nakakamangha ang aking nakita. Para palang si Moses ang pwet ng tao sa dyip, nakakahati ng mga tuhod na humaharang sa kanyang uupuan.
Maya-maya pa umandar na muli ang dyip. Iba-iba ang gimik ng mga tao sa loob ng dyip may mga nakasabit sa bar ang kamay, may mga tsismoso at tsismosa, mga taongparang di natutulog sa kanilang bahay at dito natutulog, at ang mga wala lang.
Teka may nakalimutan papala ako ang mga ‘usi’. Ang mga usi, as in usisero at usisera, ay tulad ng katabi at kaharap ko ngayon habang sinusulat ko ito sa loob ng dyip. Sila ‘yong mga taong pinangarap na maging giraffe na pilit pinapahaba ang leeg para lang mabasa ang text ng katabi o kaya naman e makinig sa may usapan ng may usapan. Pero sa aking kaso basahin ang sinusulat kong ethnography. Kailangan itago baka mabasa pa ‘yong pinagsusulat ko tungkol sa kanila.
Ang mga tsismoso at tsismosa naman ay ung mga uri ng tao sa loob ng dyip na kung anu-ano ang pinag-uusapan. Di sila nauubusan ng kwento. May dalawa silang uri ang mga pabulong at mga scandalosa. Ang mga pabulong, ayon sa pangalan, ay gumagamit ng mga bulong upang mag-usap madalas importante ang kanilang pinag-uusapan at di dapat malaman ng iba. Pero madalas di sila nagkakaintindihan. Ang mga scandalosa ay ang mga uri ng mga tsismosa na walang ginawa kundi mag-usap napara bang ang kausap nila ay nasa kabilang kalye pa. Madalas walang katuturan ang kanilang pinag-uusapan pero kailangan talaga marinig ng lahat parang kasalanan sa kapwa pasahero kundi nila paparinig ang kanilang mga kwento.
Meron din ‘yong mga tao na dito pa natutulog sa loob ng dyip at ginagawang unan ang kanilang nakasabit na kamay o kaya naman ay ang balikat ng kanilang katabi. Karamihan sa kanila ay mga empleyadong pagod ata sa trabaho o kaya naman di nakatulog sa kanilang work desk kasi binabantayan ng boss. Sila ‘yong masarap panoorin lalo na pag may tumutulo pa.
Ang mga wala lang ay ‘yong mga taong di mo malaman kung ano kanilang iniisip. Sila ‘yong mga tao sa dyip na di nagsasalita at nagpapapanis ng kanilang laway. Di mo talaga malaman ang kanilang iniisip. Sila ba’y natatae na at tingin ng tingin sa daan naghahanap ng cr o talagang pipi lang sila.
Maya-maya inabot ko ang aking bayad sabay sabing, “Ma, bayad ho…” Parang chain reaction, may aabot ng bayad tapos ipapasa habang sinasabing, “Ma, bayad daw ho…” Grabe parang may echo sa loob ng dyip pag nangyayari ‘yon. Pero minsan wala nang sinasabi abot na lang. Makakasiguro ka na makakarating sa driver ang binayad mo. Pero di mo alam kun kailan ka nga lang susuklian.
Patuloy sa pag-andar ang dyip na aking sinasakyan. Patuloy akong nagmamasid. Naghihintay pa sa ibang pwedeng mangyari. Hanggang may pasaherong nagsabing, “Mama, para ho sa tabi…” Pero parang walang narinig ang driver at patuloy ang pagpapatakbo. Baka di niya lang narinig o kaya naman ay parang gobyerno ang drama: nagbibingi-bingian. Inulit ng pasahero pero di pa rin huminto para talagang gobyerno. Pagkatapos ng pangalawang tawag nagchorus ang ibang pasahero, “Ma, para daw ho!”. Tama ba ang aking nakikita isang mini People Power sa loob ng dyip?! Sa wakass nakahalata na rin ang driver at tinigil ang sasakyan. Bumaba ang pasahero. Umandar ang dyip. Balik sa dati ang mga nasa loob ng dyip.
Doon ko naiisip na ang mga pangyayari sa dyip, mga tao, mga pagkakataon, at mga aksyon, ay umaaninag sa ating kultura. Ang dyip parang panahon umaandar. Minsan tumitigil para kumuha ng bagong pasahero o magbaba ng mga luma. Ang mga tao sa loob parang ang masa at Pilipinas. Nagtutulungan para sa ikabubuti. Sumasakay sa agos ng buhay ngunit minsan di pinakikinggan ng taong dapat sana’y mamuno sa kanila. Ang driver parang gobyerno, gumagabay dapat sa kanyang mga pasahero ngunit madalas nagbibingi-bingian at pinipilit ang gusto kahit di na kaya ng mga tao.
Iba’t ibang ugali. Iba’t ibang pananaw. Iba’t ibang kultura. Ngunit iisang lahi. Maliit ang dyip kung ikukumpara sa Pilipinas. Tuldok lang ito at di makikita sa mapa. Ngunit dito makikita ang repleksyon ng ating kultura. Kung ano talaga tayo, ito ang kanyang pinapakita. Sabi nga nila walang malaking nakakapuwing.
Malalim man ang aking iniisip, di naman tuliro ang aking isipan. Alam kong malayo na ang aking narating sakay nitong dyip. Tanaw ko na ang higanteng mga signboards ng SM sa may Fairview. Alam kong malayo na ang aking nararating di lamang sa layo ng kilometro pati na rin sa pagkakintindi ng ating lipunan at kultura. Hanggang dito na lang siguro ako. Lalabas muli sa kalye maghahanap ng paraan pauwi. Ngunit di ko makalimutan ang mahahalagang bagay na natutunan ko sa loob ng dyip. Naghanda akong bumaba…binulsa ang maliit notebook at ballpen…umayos ng upo para madaling makalabas…at sinabi ang mga katagang, “Mama, Para!”