Kasalanan

By Jeric Cantos

Sa gabi, sa gabi, ika’y pinagpapawisan,
Nababagabag, mayroong pinagnanasahan.
Naghanap, naghanap, ngunit walang matagpuan,
Iyong paningin, ibinaling sa kadiliman.

Heto na, heto na, maari nang lasapin,
Tukso ng laman, maari nang abutin.
Sya na nga, sya na nga, nasa iyong harapan,
Ang tawag ng dugo, iyo bang pakikinggan?

Kay sarap, kay sarap, ligaya ng laman.
Sa wakas, ikaw rin ay mapagbibigyan.
Mapusok, Mapusok, ‘di mapipigilan,
‘Di pabibigo ang pangangailangan.

Lumabas, pumasok, walang inaalintana.
Umatras, sumulong, hanggang umapaw ang banga.
Napuno ang salop, walang ni anong babala,
Sumambulat sa wakas, ika’y napahilata.

Bata, batid mo ba ang mundong pinasok mo?
Ang bawat sarap ay may katumbas na presyo.
Malas ka pare, kapag ikaw ay nabisto,
Pangongopya sa M.P. katapat ay singko.

Comments »

Trackback URI

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>